Mapapa sana all ka na lang sa mala-señoritong eksena ng isang lalaki sa Kapangan Benguet.
Paano kasi hindi lang isa kundi apat na trainers ang naglilinis sa kaniyang kuko. Mula sa mga kamay at hanggang sa daliri sa paa ay dahan-dahang nililinis ng apat na manikurista ang kaniyang mga kuko.

Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Kapangan, ang naturang eksena ay bahagi ng kanilang five-days skill training sa Nail Art para sa Out of School Youth sa mga solo parents, at PWD.
Kinaaliwan naman ng netizens ang naturang litrato at halos lahat sila ay napa-comment ng “sana all.”