Lakers bumawi ng 2-win streak matapos ang 0-5 start

Matapos ang 5-losing streak nakabawi ang Los Angeles Lakers ng dalawang sunod na panalo matapos talunin sa overtime ang New Orleans Pelicans.

Bumida sa panalo si Lonnie Walker IV na kumamada ng 28 points habang dinagdagan naman ito ni Lebron James at Anthony Davis na kapwa humakot ng tig-20 puntos.

Read More:  Alex Eala advances to Asian Games semifinals

Samantala ang buzzer beater 3-point shot ni Matt Ryan naman ang naging daan para makabawi ang Lakers at pwersahin ang overtime.

Sa panig ng Pelicans, 27 puntos ang hinakot ni Zion Williamson habang 22 points naman ang ambag ni CJ McCollum.

Read More:  Alex Eala opens Asian Games campaign with dominant victory

Dahil sa panalo umangat ang Lakers sa 2-5 na kartada habang ang New Orleans ay bumaba sa 4-3 win-loss record.