Kylie Versoza, inaming hindi sila good terms ng kanyang ex na si Jake Cuenca

Inamin ni Miss International 2016 titleholder Kylie Versoza na hindi sila ‘good terms’ ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

Sa isang media interview tinanong kasi si Kylie kung friends pa rin ba ang dalawa ngayon kahit wala na sila.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Diretsahang  namang sinabi ng beauty queen na ‘No’ at wala nang ibinahaging detalye.

Sinabi lang ni Kylie na masaya siya ngayon sa kanyang bagong ni-lo-lowkey na karelasyon.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Lowkey – ibig sabihin, hindi pa nito isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend. Maaalalang 2022, naghiwalay si Kylie at Jake matapos ang tatlong taon nilang relasyon.