Inilatag ng Barangay Affairs and Public Assistance Division (BAPAS) Sorsogon City ang mga kwalipikasyon at requirements upang maging City Scholar.
Sa panayam ng Brigada News kay Charo Logronio, Officer In Charge ng opisina, sinabi nito na una nilang tinitingnan ay kung pasok sa P150, 000 Annual income ang kinikita ng mga magulang ng aplikante bilang katunayan na ito ay indigent.
Dapat din na residente ng lungsod ng Sorsogon, nakapag-enroll na sa papasukang kolehiyo, mayroong City ID, Tax Exemption Certificate, at may General Average na 83% bukod pa sa dapat din na maipasa ang Entrance Exam.
Sakaling makapasok naman ay kinakailangang mamantina ang 85% Maintaining Grade.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 800 iskolar ang lokal na pamahalaan ng lungsod na kanilang patuloy na minomonitor upang matiyak na nakakapag-aral uito ng maayos at magabayan rin kung mayroon naman itong problema sa kanilang pag -aaral bilang pagtugon sa pinakalayunin ng LGU na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga masisipag na mag- aral na nahihirapang pag- aralin sa kolehiyo ng kanilang mga magulang.