Kumakalat sa social media na nagbibigay ng tulong pinansyal ang DSWD , walang katotohanan

Nagbigay ng paalala ang Department of Social Welfare and Development matapos kumalat muli sa social media ang isang post ng hindi otorisadong account na umano’y nagbibigay ng tulong pinansyal ang departamento.

Ayon sa kagawaran, ang nasabing post ay hinihikayat ang mga estudyante na mag-apply muna online bago mabigyan umano ng cash assistance na aabot hanggang P10, 000.

Read More:  One dead after car collides with oil tanker in Sibulan, Negros Oriental

Maliwanag na isa umano itong uri ng panloloko na layuning kolektahin ang personal na impormasyon ng kanilang mga mabibiktima.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Dahil dito, nagpaalala ang DSWD sa publiko na huwag ibigay sa hindi awtorisadong website ang pangalan, contact number, bank account at address.

Maaari namang isangguni agad sa kagawaran sa oras na makaranas ng mga kaparehong panloloko upang mabigyan agad ng solusyon.|#BrigadaNews