KSA, nag-donate ng $3.2M sa PH para sa iba’t ibang proyekto ng bansa

Tinatayang aabot sa $3.2Million ang natanggap na humanitarian at financial aid ng Pilipinas mual sa Saudi Arabia.

Iti-nurn over ni Saudi Arabian Ambassador to the Philippines Hisham bin Sultan Al-Qahtani at Dr. Abdullah bin Saleh Al-Moallem, representative ng King Salman Humanitarian Aid and Relief Center ang naturang donasyon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Tinanggap naman ito ng ilang kinatawan mula sa Department of Health at ng Department of Foreign Affairs.

Ayon sa pahayag ng Royal Embassy, gagamitin ang naturang pondo para sa pandemic response ng gobyerno.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kabilang din sa mga paglalaanan nito ay ang mga programa para sa pagbangon ng mga nasalanta ng Bagyong Odette noong nakaraang taon.

Aabot naman sa $1.5Million ang pondong ibinigay sa DoH para sa pagsasaayos o pagtatayo ng mga health facilities sa Marawi City.
#