Dismayado ang election watchdog na Kontra Daya sa umano’y pagkaantala sa pagpapalabas ng desisyon ng Commission on Election (Comelec) sa mga disqualification cases ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Professor Danilo Arao hindi kataka-taka na ang mga tao ngayon ay may pagdududa tungkol sa nakabinbing desisyon dahil sa tagal ng resolusyon ng Comelec.

Binatikos din ni Arao ang ponensiya ng kaso na si si Commissioner [Aimee] Ferolino dahil nag-vacillate umano ito sa ganitong mahalagang gawain.
Dagdag pa ni Arao, walang dahilan para hindi isulat ang desisyon kahit na may COVID-19 pandemic.
Hindi umano malayong may katotohanan ang mga paratang ni retired Commissioner Rowena Guanzon na sinadyang i-delay ang paglalabas sa desisyon ng kaso upang hindi maisama ang boto ng retiradong comelec official.
Una nang iginiit ni Ferolino na “walang pagkaantala” pagdating sa pagdedesisyon sa mga kaso ni Marcos.