Konstruksiyon ng ‘flood control dike’ sa Pantao Port sa Libon, Albay ipagpapatuloy ng susunod na uupong gobernador ng lalawigan

BNFM BICOL–  Ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon sa pamahalaang panlalawigan ng Albay ang rehabilitasyon ng Pantao Port sa bayan ng Libon.

Sa isang panayam inihayag ni Libon, Albay Mayor – Wilfredo Maronilla, na nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Governor Elect – Noel Rosal hinggil sa pagbibigay nito ng asegurasyon sa pagpapatuloy ng konstruksiyon ng nasabing proyekto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Maronilla, mahalagang matapos ang proyekto dahil malaki aniya ang maibibigay nitong benepisyo at tulong hindi lamang sa mga residente ng kanilang bayan kundi maging sa buong lalawigan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Matatandaan na sinimulan ang konstruksiyon ng Pantao Port sa ilalim ng pamamahala ni outgoing Governor Al Francis Bichara kung saan layon nitong mabigyan ng proteksyon ang mga residente sa lugar laban sa baha sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘flood control dike’ sa nasabing lugar.###