Kongresista: may pananagutan ang DOTr at LTFRB sa kurapsyon sa PUVM Program

Hindi pagsunod sa tamang proseso.

Ito ang nakikitang butas ng isang kongresista kung bakit mayroon aniyang mga usapin ng korapsyon sa mga kooperatiba sa ipinatutupad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, sinabi nito na kanilang masusing inaaral ngayon ang RA 10667 o mas kilala bilang The Philippine Competition Act (PCA) na naiya’y nilalabag ng DOTr at LTFRB.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Cong. Fernandez, nagkakaroon ng korapsyon sa PUVMP dahil hinahayaan ng mga nabanggit na ahenysa na ang mga kooperatiba ang siyang nakikipag usap sa mga manufacturersna dapat pinamamagitan ng Transportation Department.

Paalala ng Kongresita, maari aniyang makulong ng dalawa hanggang pitong taon at magmulta ng P50-M hanggang P250-M ang lalabag sa RA 10667 na ilan din sa mga pag-uusapan sa mga susunod na hearing sa Kamara kaugnay sa consolodation.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kung maalala, pinalawig pa ng tatlong buwan ang consolidation ng mga jeepney hanggang Abril 30 matapos na pagbigyan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahilingan ng ilang mga transport group sa bansa.