Komedyanteng si Shalala, pumanaw na

Pumanaw na ang kilalang television host-comedian na si Shalala o Carmelito Masagnay Reyes sa tunay na buhay.

Kinumpirma ito ng entertainment journalist na si MJ Marfori sa kanyang Twitter umaga ng June 23.

Read More:  Several showbiz personalities defend Alden Richards amid allegations by Xian Gaza

Wala pa naman inilalabas na detalye sa dahilan ng pagkamatay ng komedyante.

“JUST IN |Pumanaw na ang kilalang host at comedian na si Shalala. Sa mga nais tumulong sa pamilya, maaring mag-donate sa account ng kanyang kapatid: Metrobank
Savings #091-3-091-33785-2 (Anthony M. Reyes).” via @mjmarfori pic.twitter.com/ADZCwJFuRi

Read More:  Donny Pangilinan admits feeling awkward over Baby Doll Juby’s remark on Gandang Gabi Vice

Nabatid na unang nakilala si Shalala bilang co-host ni Kuya Germs sa programang “Walang Tulugan With The Master Showman” noong 2001.