Koko: ‘candidate beneficiary’ si De Lima sa ruling ng SC sa petisyon ni Gigi Reyes

Binigyang diin ni Senator Aquilino Pimentel III na ang kaso ni dating Senator Leila de Lima ay “candidate beneficiary” sa desisyon ng Supreme Court, dahil sa petisyon para sa writ of habeas corpus ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes.

Mababatid na pinagbigyan ng SC First Division ang petition for a writ of habeas corpus ni Reyes, at ipinaliwanag dito na ang kanyang confinement, bagama’t alinsunod sa court order ng Sandiganbayan, ay labag sa kanyang constitutional right para sa speedy trial, maging sa kanyang right to liberty.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay Pimentel, na ang ruling ng SC ay nakatuon sa accountability of the state sa pag-galang para sa karapatan para sa speedy trial at disposition ng mga kaso.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Dagdag ng senador, na siyam na taong nakakulong ang dating senadora, at ang hindi pa pagkakaroon ng desisyon sa trial level ay ‘red flag’ na kailangan umanong tugunan ng SC.