Kelvin Miranda, humingi ng tawad dahil sa pag-nguya ng chewing gum sa national TV

Humingi ng tawad ang aktor na si Kelvin Miranda matapos ang kanyang guesting sa “It’s Showtime” noong nakaraang linggo.

Pinuna kasi ng ilang netizens ang kanyang pag-nguya ng chewing gum habang nag po-promote ito ng pelikula, kasama ang leading lady nitong si Beauty Gonzales.

Read More:  Frankie Pangilinan opens up on KC Concepcion, says love for sister remains

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Miranda na ang chewing gum ang kanyang coping mechanism dahil hindi niya alam paano i-handle ang kanyang emosyon sa dami ng nangyayari sa kanyang buhay.

Read More:  Kris Lawrence, Katrina Halili urge public to respect Mary Joyce

Dito niya raw kasi binubuhos ang lahat ng nararamdaman niyang nerbyos.

Nilinaw rin nitong hindi siya nagpapa-pogi at nagpapa-angas sa pag nguya niya ng chewing gum.