Kaso ng dengue sa Zambales bumaba ng 15%

Bumaba ng ng 15.13% ang kaso ng dengue na naitala sa lalawigan ng Zambales ngayon.

Base sa datos ng Provincial Health Office, mula January hanggang May 28 ay nakapagtala lamang 489 cases.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Mas mababa ito ng higit 15% kung ikukumpara sa 563 na kaso nakaraang taon sa kaparehong mga buwan.

Ayon kay Provicial Health Officer Dr. Noel Bueno, wala ring nakaconfine ngayon kaya mahalaga aniya ang pagsunod sa mga paalala ng gobyerno.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kapag may naramdamang sintomas ay huwag itong balewalain kundi magpakonsulta kaagad para hindi na lumala pa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO