Kaso ng dengue sa Albay, nananatiling mababa simula buwan ng Enero hanggang Setyembre 2022 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na ang lalawigan ng Albay ay nananatiling mababa pa rin kumpara sa lima pang lalawigan simula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Setymbre.

Ayon sa DOH Bicol, ang Albay ay mayroong 36 na kaso ng dengue, Camarines Norte na may 188, Camarines Sur na may 848, Catanduanes na may136, Masbate na may 70 at ang Sorsogon naman na may 52 na kaso.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, tanging ang lunsod ng Legazpi ng nasabing lalawigan ang nakitaan na mayroong paggalaw o pagtaas ng nasabing sakit na may 14 na kaso na sinundan ng bayan ng Daraga na may 11, Tabaco City na may 3, tigdadalawa mula sa Pio Duran at Polangui habang tig-iisa naman ang Guinobatan, Manito, Santo Domingo at Ligao City.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nananatili pa ring zero case ang bayan ng Rapu-rapu, Camalig, Oas, Jovellar, Bacacay, Tiwi, Malilipot, Malinao at Libon.

Paalala ng nasabing tanggapan na sundin ang 4S upang maiwasang magkaroon ng nasabing sakit at mapigilan ang paglobo ng dengue cases sa mga karatig na bayan at iba pang lalawigan.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang casualty sa dengue ang Albay.