KORONADAL CITY- KONTROLADO na ang kaso ng Avian Influenza (AI) o bird flu sa bayan ng Sto.Niño.
Ito ang inihayag ni Veterinarian IV Dr. Byron Dela Cruz ng Provincial Veterinary Office o PVet South Cotabato matapos na idineklara ang AI outbreak sa tatlong mga barangay nito, ang M.Roxas, Katipunan at Teresita.
Ngunit ayon kay Dela Cruz na hindi pa tanggalin ang AI declaration sa naturang bayan dahil nananatili pa rin itong high risk lalo na’t may mga nade-detect pa rin ng kaso ng bird flu sa karatig lalawigan na Sultan Kudarat.
Kaugnay nito, patuloy na pinag-iingat ang mga poultry owners laban sa bird flu virus.
Hinihikayat ni Dela Cruz ang publiko na agad na i-report sa kanilang tanggapan at sa mga otoridad oras na may maobserbahang sakit o mataas na mortality sa mga alagang manok, pato, bibe, gansa, pabo at iba pang poultry animals upang ito ay masuri at maisailalim sa testing.
Ang mga hayop na namatay dahil sa sakit ay kailangang ilibing agad at hindi na dapat kinakatay at kinakain.
