Kapote ang in-order, asin ang dumating

Literal na inalat ang isang online shopper na si “Bads” ng Barangay Maunlad sa Puerto Princesa.

Umorder kasi ito ng Motor rain coat sa online seller ( Auto Mobile ) na nagkakahalaga ng P999.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Dumating daw nitong nakalipas na Linggo ang item ngunit kaninang umaga niya lamang ito binuksan- ang laman ay tinatayang kalahating kilo ng asin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Paglilinaw niya, pina-received niya lang sa kanilang bahay ang item at na- ‘busy’ siya kaya hindi agad binuksan.

Matapos ang insidente ay agad daw siyang nag-mensahe sa seller subalit wala pa itong reply.