Kapitolyo ng Pampanga, nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni FVR

Nagpa-abot ng pakikiramay ang kapitolyo ng Pampanga sa pag panaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa facebook page ni Governor Delta Pineda, pinasalamatan nito ang dating pangulo sa mga naitulong nito sa mga Kapampangan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Lalo na anya sa pag dinig nito noon sa daing ng mga Cabalen na isalba ang lalawigan sa maaari pang maidulot na pinsala ng lahar mula sa Mt. Pinatubo.

Dagdag pa ni Gov Delta na ang patunay sa malaking tulong at pagmamahal ng namayapang dating pangulo sa Pampanga ay ang FVR mega dike, na ipinatayo noong panahon ng panunungkulan nito bilang Pangulo.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Maaalalang kahapon, pumanaw si FVR sa edad na 94.