Kapitan, kabilang ang dalawang FRs sugatan sa pagsabog ng IED; mga biktima, pinagbabaril pa

Sugatan ang Punong Barangay at dalawang Former Rebel sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) at pamamaril sa Masbate.

Kinilala ng Uson MPS ang mga biktima na sina Kapitan Democrito Aday Rivera, 62-anyos, may asawa at mga former rebels na sina Romnick Bulan Lagablab, 32-anyos, at Alex Mediana Balayan, 39-anyos, may asawa lahat residente ng Brgy Bonifacio, Uson, Masbate.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, ang mga biktima umano ay pauwi na lulan ng motorsiklo subalit pagdating nila sa Sitio Ilihan ng nasabing barangay ay biglang sumabog ang isang IED na itinanim sa gilid ng kalsada kasunod ng sunod-sunod na putok ng baril.

Agad namang naitkabo ang mga biktima sa RHU at kalaunan ay inilipat sa Masbate Provl Hospital sa Masbate City.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Tumakas naman ang limang hindi pa kilalang mga suspek.

Lahat ng katabing police station ay inatasan na magsagawa ng checkpoints sa mga strategic area para sa posibleng pagdakip sa mga suspek.

Gayundin, hiniling ng Uson MPS ang Masbate Provl EOD and Canine Unit (PECU) para sa Post Blast Investigation.