Kapasidad ng gobyerno sa pagbabakuna, tumaas – Usec Cualoping

Ipinagmalaki ni USec. Ramon Cualoping III na tumaas ang kapasidad ng national government sa pagbabakuna sa target population ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ng kalihim sa Tipon-Tipan sa PIA Region 2 ngayong araw.Aniya, sa nagdaang pitong araw ay nakapagbakuna ng halos isang milyong dose ng COVID vaccine na umabot sa 850,000 doses.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Sa kabuoan ay mayroon ng 5,517,523 doses ng bakuna ang naiturok sa buong bansa simula noong magsimula ang vaccination roll out.

Nasa ika-23 na pwesto ang bansa sa may maraming naturukan mula sa 196 countries at ikalawa naman sa Asian countries kung saan nanguna ang bansang Indonesia.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Dagdag pa ni Usec. Cualoping, nasa 3.8% percent na population na ang naturukan bagaman aminado siyang malayo pa sa target na 70% pero base aniya sat trend ngayon ay umaasa itong makakamit ang herd immunity bago matapos ngayong taon.