Kampo ni De Lima, pinag-aaralan ang paghahain ng petisyon para makapagpiyansa

Pinag-aaralan na ng kampo ni dating Sen. Leila De Lima ang naging desisyon ng Supreme Court para sa pansamantalang pagpapalaya kay  Jessica Lucila “Gigi” Reyes, na dating aide ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na nakakulong ng halos siyam na taon dahil sa kasong plunder.

Matatandaan na nitong linggo, kinatigan ng SC ang petisyon ni Reyes para sa writ of habeas corpus, at sinabing ang kanyang mahabang pagkakakulong nang walang court conviction ay naging oppressive na, kayang may karapatan itong makalaya.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dahil dito, sinabi ni Boni Tacardon, abogado ni De Lima, na plano ng kanilang defense team na maghain ng kaparehong petisyon sa Kataas-taasang Hukuman.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa gitna nito, sinabi ni Tacardon na tinitimbang ng mga abogado ang mga option para kay De Lima, dahil inaasahang ilalabas unang quarter ang resolusyon para sa bail petition ng kanyang kliyente.

Binigyang diin ng mga abogado ng dating senadora na dahil sa pending na dismissal para sa kanyang dalawang natitirang drug cases, dapat payagan umano itong makapagpiyansa dahil sa kakulangan ng mga ebidensya.