Kriminalidad sa Bicol, bumaba ng 9% – PNP Bicol

Legazpi City – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) Bicol na mas bumbaba sa 9% ang kriminalidad ng Bicol region simula noong Oktubre 1, 2021 hanggang Marso 15, 2022.

Ayon sa PNP Bicol, mula nang umupo si PBGen. Jonnel C. Estomo, ay binago ang kampanya laban sa kriminalidad na nagresulta sa makabuluhang pagbaba sa rehiyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nakapagtala ang PRO5 ng 7,091 kabuuang insidente ng krimen na mas mababa ng 727 kumpara noong nakaraang taon ng parehong panahon.

Ito ay maiuugnay sa mga agresibong kampanyang inilunsad ng PNP Bicol kabilang ang giyera laban sa iligal na droga na may 430 positibong operasyon na isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 487 drug personalities at pagkamatay ng 9.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagbunga pa ito ng pagkakakumpiska ng P41, 099,707 halaga ng iligal na droga. Sa ilalim ng kampanya laban sa loose firearms, 272 na operasyon ang naorganisa kung saan nahuli ang 176 na indibidwal.

Nagdulot din ito ng pagkakakumpiska ng 256 sari-saring baril, sumuko ng 139; pagbawi ng 25 at ang pag-iingat ng 447 undocumented na baril.