Kamara – pina-subpoena na si Quiboloy

Ipina-subpoena na ng Kamara ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apolo Quiboloy.

Ito ay para mapadalo na siya sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises hinggil sa prangkisa ng kaniyang network na SMNI.

Nag-mosyon si Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel para ipatawag si Quiboloy sa susunod na pagdinig ng Kumite.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sabi ng Kumite – sakali man daw na ‘di pa rin dumalo si Quiboloy ay mapipilitan na silang ipa-aresto ito.

Maaalalang si Quiboloy ang sinasabing ‘honorary chairman’ ng network.

Bago pa man ito, ginisa ng mga Kongresista ang mga dumalong kinatawan ng network sa pagdinig.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Kabilang sa mga nasilip ay ang kanilang patuloy na pag-ere sa iba’t ibang platforms sa kabila ng suspensyon sa kanila ng National Telecommunication Commission (NTC).

Muli ring naungkat ang ‘di umano’y red-tagging ng ilang mga program hosts ng SMNI.
#

(📸 KABATAAN PARTY-LIST)