Aprubado na sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives ang panukala na magtatatag ng Virology and Vaccines Institute of the Philippines (VVIP).
Mababatid na ang naturang hakbang ay isa sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos sa harap ng hamon ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng House Bill 6452, ang VVIP ay magiging premier research and development institute sa larangan ng virology, na sasaklaw sa lahat ng uri ng virus at viral diseases.
Bukod dito, magsisilbi rin umano itong lugar para sa ng mga scientists, reasearch institutes, at iba pang organisasyon na tutulong sa pag-aaral sa virus.
Paglalarawan naman ni Albay Representative Joey Salceda of Albay, isa sa mga author ng panukala, ang VVIP ay ang bersyon ng Pilipinas sa Serum Institute of India na kilala bilang world’s largest manufacturers of COVID vaccines.
