KAMANDAG-7 Joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at 3pang bansa, kasado na

Kasado na sa susunod na linggo ang serye ng joint training exercises na tatawaging KAMANDAG 7 o Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat sa pagitan ng Pilipinas, US, Japan at South Korea.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Magsisimula ang annual training exercise sa November 9 hanggang 20 at isasagawa sa Luzon kasama ang Batanes, Zamboanga, Tawi-Tawi, at Palawan

Inaasahang dadalo rin sa nasabing exercises sa pangunguna ng Philippine Marine Corps at ng US Marine Corps, ang mga observers mula sa United Kingdom.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ang Marine Rotational Force – Southeast Asia na naka-base sa California ang mangunguna sa U.S. Marine forces military drills ngayong taon.