Kalsadang mag-uugnay sa 2 barangay sa Masbate, pinasinayaan na

SORSOGON CITY – Mapapakinabangan na ng mga residente sa bayan ng Pio V. Corpus, Masbate ang nasa 1.6 kilometrong bagong gawang kalsada na mag-uugnay sa Brgy Tubigan at Brgy Tanque.

Ang nasabing kalsada na may limang metrong lapad ay pinasinayaan kamakailan at inaasahang maghahatid ng kaunlaran sa daan-daang residenteng naninirahan sa mga nabanggit na komunidad sa anumang gawaing pang-ekonomiya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang pagpapasinaya at turn over ceremony ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal kabilang si Congressman Wilton Kho, ang alkalde ng Pio V. Corpuz na si Mayor Mark Antonio, Barangay Officials ng Tanque at Tubigan at mga opisyal ng DPWH.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kasabay nito ay isinagawa ang blessing sa nasabing proyekto sa pangunguna ni Rev. Fr. Richel Alburo.

Bago naman matapos ang kaganapan ay namahagi ang mga opisyal ng pamahalaan ng aabot sa 247 food packs sa mga kabahayan na nakalista bilang benepisyaryo.#