Kalbaryong daanan sa Taytay Palawan, palay na lang ang kulang

Nagmistulang basakan na ang daanan Barangay Alacalian Taytay Palawan- palay na lang ang kulang.

Ito ang hinihiniling na maayos na sa lalong madaling panahon ng mga residente at mga dumadaan doon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon sa isang residente, matagal na nilang problema ang kalbaryong daanan na tinataya nitong aabot sa 15 kilometro ang haba.

Dahil umano sa panget na kalsada ay wala na ngayong dumadaan na bus at jeep sa kalsada kaya mas lalong nahirapan pati ang mga magsasaka na nais maglabas ng produkto.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, ang mga daanan sa Barangay Alacalian ay kabilang umano sa prayoridad ng pamahalaang Panlalawigan sa Road Rehabilitation.