Kalayaan Job Fair, pinaghahandaan na ng DOLE 12

KORONADAL CITY – NAGHAHANDA na ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 para sa pagdiriwang ng ika-125 Independence Day sa June 12.

Ito ay may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ang Kalayaan Job Fair sa SM Mall ng General Santos City kung saan 50 mga local employers, at 20 mga overseas recruitment agencies ang inaasahang lalahok at mag-aalok ng maraming trabaho sa mga job seekers.

Magsasagawa din ang DOLE 12 ng gift-giving sa 75 mga natukoy na child laborers.

Samantala, maglalagay din ang DOLE 12 ng One-Stop-Shop para sa iba’t ibang serbisyo ng gobyerno kasama ang NBI, PNP, TESDA, SSS, Philhealth, PAG-IBIG, PSA, DFA, PRC, kag BIR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *