Kalabaw patay, matapos na makuryente ng napabayaang kable, mag-asawang may-ari, nakaligtas

Patay ang isang kalabaw matapos na di-umanoy makuryete nang madaanan nito ang naputol na kable ng kuryente sa Brgy Aguada Sur, Magallanes, Sorsogon.

Sa post ng anak ng mag-asawang senior citizen na si Ronnie, sinabi nito na nangyari ang insidente dakong alas 3:00 ng hapon kahapon, habang papuntang bukid ang kanyang mga magulang.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Masuwerte na lang umano na ang kanyang magulang ay hindi nakasakay sa kalabaw dahil may karga itong mga ‘’pangkonsumo.’’

Sa ngalan ng kanyang mga magulang, nanawagan ito sa Soreco 1 na sana ay matulungan ang kanyang mga magulang upang makabili ulit ng bagong kalabaw.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang namatay na kalabaw umano ay tanging katuwang ng kanyang mga magulang sa paghahanap-buhay.