Aligaga ka rin bang maghanap ng magandang damit na iyong isusuot sa tuwing may lakad ka? Worry no more dahil nito lamang nakalipas na taon naglabas ang Adobe ng isang digital, interactive na damit na tinawag nilang ‘Project Primrose‘ sa MAX conference na ginanap sa Los Angeles Convention Center.
Ang strapless, hanggang tuhod na damit ay maaaring i-refresh ang disenyo, kulay, at animation nito sa isang pindutan lang.
Mayroon pa itong mga sensor na nagpapahintulot sa damit na tumugon sa mga galaw ng nagsusuot nito.
Ang research scientist na si Christine Dierk, na lumikha ng damit, ay nagmodelo ng damit sa entablado at tinawag itong ‘digital na damit na nagbibigay-buhay sa isang tela.’
Sa paglago ng ating teknolohiya, kasabay nito ang ilang makabagong gawi at mga imbensyon na talaga namang kakaiba.
Kapag naging bukas sa merkado ang damit na “Project Primrose”, bibili ka ba? #### JEREMY LESNIANA