Kaibigan ni Scottie at Pau, nagreact matapos ang private wedding ng PBA player sa ibang babae

Nagsalita na ang isa sa mallapit na kaibigan nina Scottie Thompson at Pau Fajardo ang pagpapakasal ng Ginebra guard sa ibang babae.

Sa Instagram post ni Kayesha Chua, fiance ni Aljon Mariano, isa sa mga close friend ni Thompson, sinabi nitong ikinagulat din nila noon nang malaman ang problemang kinakaharap ng dalawa.

Subalit dahil sa kahilingan ng mga ito na huwag nang isa-publiko ang lahat ay hindi sila nagsalita simula Day 1 nang makarating sa kanila ang pinagdadaanan nina Pau at Scottie.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Nakasaad din sa post ni Kayesha na hindi dapat sabihin na ang pananahimik nila ay kawalan ng suporta sa kanilang kaibigan.

Ibinunyag din nito na sumangguni sa kanila si Pau noong magkaroon ng problema ang relasyon nito sa basketbolista habang si Scottie ay tila siniraduhan sila ng pinto sa kabila ng makailang ulit nilang pagtatangka na makausap ito.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa kabila nito nagpaabot pa rin ng pagbati si Kayesha kay Thompson at sa bagong misis nito na si Jinky Serrano.

“We give him our best wishes and leave him to it. I wish you strength because you’ll need it. I hope she’s worth it.”

Magugunitang noong New Year’s Eve ng 2021 nag mag-propose si Scottie kay Pau subalit matapos ang anim na buwan napabalita nalang itong ikinasal sa ibang babae.