Kai Sotto, umasa sa suporta ng pamilya matapos ang kanyang pag-alis sa Ignite

Aminado si Kai Sotto na naging mahirap para sa kanya ang pag-alis niya mula sa NBA G League select team Ignite, ngunit nalamapasan niya naman ito sa tulong ng suporta ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Sotto na naging masaya siya na may grupo ng mga tao ang tumutulong sa kanya na manatiling naka-focus.

Anya, kung sa ibang players lang, ay posibleng sumuko na ang mga ito dahil sa mga hamon at problema.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ipinunto ni Sotto na humuhugot siya ng lakas mula sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ina.

Sa kabila ng kanyang pag-alis sa Ignite, ay sinabi ni Sotto na marami siyang natutunan na leksyon sa loob at labas ng court tulad ng propesyunalismo.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala, umaasa naman si Conner Henry, head coach ng Adelaide 36ers, na makakatulong ang G League stint ni Sotto sa pagsali nito sa Australia National Basketball League.

Iginiit ni Henry na marami pang skill sets si Sotto na patuloy nitong made-develop, at bilang isang player na nakapaglaro na sa G-League level, ay nauunawaan na nito ang pace at physicality ng laro, na bagay na kanyang mararanasan sa kanilang club at sa NBL.