Kai Sotto, Babawi sa susunod na laban matapos mabangko sa ginanap na 2023 NBA Summer League

NABANGKO o hindi nakapaglaro ang pinoy Pride na si Kai Sotto sa ginanap na 2023 NBA Summer League na ginanap sa Thomas and Mack Arena sa Las Vegas, Nevada kahapon.

Sa pontos na 89-78 bigong makuha ng Osceola Magic ang kampeonato kontra Detroit Pistons.

Dismayado ang maraming Pinoy fans sa kinahantungan ni Sotto. Sa tatlong sentro ng Orlando, sina Robert Baker ll at DJ Wilson lamang ang naisalang, at tanging si Sotto lamang ang nananatiling nakabangko.

Ginamit lang ni Coach Dylan Murphy ang sampung players mula sa NBA G League affiliate team ng Orlando na Osceola Magic para sa tagilid nilang panimula sa kanilang kampanya sa Summer League.

Umaasang makakapagpasiklab at babawi si Kai Sotto sa susunod na laban ng Magic kontra sa Indiana Pacers sa susunod na laban. ### RIZADEL LOPEZ, Intern