Kahalagahan ng gatas ng ina at tamang pagpapadede isa sa binigyaang diin sa Mom’s Love Barangay End Stunting Now Symposium ng BNFM Naga sa 30 mga nanay sa Barangay Lerma, Naga City

NAGA CITY – Nasa tatlumpong mga buntis at mga nanay ang naging benepisyaryo sa naging matagumpay na Barangay Mom’s Love End Stunting Now Symposium ng Brigada News FM Naga sa Barangay Lerma, Naga City.

Kung saan, sinamantala ng isang bagong panganak, kasama ang mga first time mom, at ilan pang mga buntis. Dinaluhan rin ito ng mga Barangay Health Worker at Kapitan nito.

Sa maikling programa, binigyang diin ni Lorna Baraquel, isang Barangay Health Worker, ang kahalagahan ng gatas ng isang ina sa mga sanggol at tamang posisyon sa pagpapadede sa mga ito.  Aniya, hanggat maaari ay dapat anim na buwan o kaya hanggang dalawang taon bago padedehin sa bote si baby, maliban kasi sa development nila, proteksyon rin ito laban sa mga sakit.

Dagdag naman ni Nora Dizon, ang Midwife ng Barangay, importante rin ang pag-iinom ng gamot at vitamins lalo na pagkatapos manganak. Habang tinalakay din ng isang Service Point Officer na si Imelda Dawang ang tungkol sa family planning, na nag-iwan ng mahalagang aral tungkol sa responsableng pagpapamilya.

Bukod sa kaalaman, namahagi rin ng mama kits, libreng mom’s love capsule, yummy vit para sa bata, pagkain at iba pang gamit sa pagbubuntis o panganganak.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Kapitan Dominggo Serrado, dahil isa sila sa napili ng BNFM Naga upang pagdausan ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *