KADIWA ng Pasko Caravan, madaragdagan pa – DA

Uumpisahan na ng Department of Agriculture ang pagpapatayo ng mas marami pang mga KADIWA ng Pasko sa bansa.

Matatandaaang kamakalawa nang ilunsad ang halos dalawampung mga caravans nito sa ikinasang national launching sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, madaragdagan pa ang naturang bilang hanggang sa pagtatapos ng taon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Aniya, naka-schedule na ang pagtatayo nito sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

Magkakaroon din ng KADIWA ng Pasko caravan sa mga iba pang probinsya kabilang na sa Taclovan, Davao de Oro, South Cotabato at iba pa.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na umano ang Office of the President sa iba’t ibang mga local government units para sa pagtatayo ng mga caravan sa kani-kanilang mga area.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Target aniya ng DA at ni Pangulong Bongbong Marcos na gawin nang regular o araw-araw ang mga KADIWA.

Matatandaaang sa talumpati ng Pangulo sa national launching nito, una na niyang sinabi na inaaral na nila na palawigin pa ang mga KADIWA kahit na tapos na ang Pasko.
#