Kabaitan ng isang traffic enforcer sa Puerto Princesa, umani ng papuri

Pinasalamatan at pinuri online ng isang negosyante ang kabaitan na ginawa sa kanya ng isang traffic enforcer sa Puerto Princesa nitong gabi ng Huwebes, March 2, 2023.

Ayon kay Mitch Ramirez, inatake kasi siya kagabi ng vertigo kaya nakaranas siya ng matinding pagkahilo habang nasa stop-light sa intersection sa Barangay San Miguel.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ito ang dahilan kaya hindi siya agad nakaalis sa intersection kaya nilapitan siya ng enforcer at doon nalaman ang kanyang kondisyon.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Agad namang minaneho ng enforcer ang kanyang sasakyan bago ito itinabi sa isang gas station.

Samantala, nais ng negosyante na muling makita ang enforcer upang muling pasalamatan.