Kabahayan, nasunog sa wescom road sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa

Nasunog ang ilang kabahayan sa Wescom Road sa Barangay San Miguel sa Puerto Princesa bandang alas-diyes ng umaga kanina.

Ang fire scene ay mabilis na napuntahan ng Bureau of Fire Protection matapos maireport ng mga residente.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Gayunpaman, mabilis na nilamon ng apoy ang ilang gusali na yari sa lights materials sa likod ng isang tindahan dahil sa malakas na hangin.

May mga sasakyan tulad ng kotse ang nasunog habang ang ibang doon nangungupahan ay walang naisalbang gamit.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Ayon kay kapitan Prince Gloriani ng San Miguel, tinatayang dalawampung (20) kabahayan ang nasunog kaya marami ang naapektuhan.

Samantala, patuloy na inaapula at iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang nangyari.