Nagbukas na ang bagong kabanata sa karera ni Jose Rizal University (JRU) guard JL Delos Santos nang pumirma sya ng kontrata sa Converge para maipakita ang kanyang basketball moves sa PBA.
Inaasahang mas maraming kabataan ang mahihikayat sa Converge roster sa pag-absorb nila kay Delos Santos.
Kasama sa rookie draft sina King Caralipio, Inand Fornillos, Patrick Maadenberg, at Bryan Santos.
Ang dating Heavy Bombers ay kasama sa key players ng JRU sa NCAA Season 99 na may average na 7.94 points, 5.83 rebounds, 6.28 assists, 2.28 steals at 0.61 blocks.
Bukas na ang nakatakdang debut ni Delos Santos sa kanyang bagong koponan.
