Tinanggal na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3, matapos na humina ang Bagyong Jolina bilang severe tropical storm.
Sa kabila nito, marami parin ang nasa ilalim ng Signal No. 2, na kinabibilangan ng Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands; northern portion ng Romblon; Sorsogon; Albay; western at southern portions ng Camarines Sur; western portion ng Camarines Norte; central at southern portions ng Quezon; Laguna; southeastern portion ng Batangas; Marinduque; western portion ng Northern Samar; extreme northwestern portion ng Samar; at northern portion ng Biliran.
Samantala, nasa ilalim naman sa Signal No. 1 ang ibang bahagi ng Camarines Norte; ilang bahagi ng Camarines Sur; ilang bahagi ng Albay; Catanduanes; ilang bahagi ng Romblon; Oriental Mindoro; Occidental Mindoro; ilang bahagi ng Quezon; Rizal; ilang bahagi ng Batangas; Cavite; Metro Manila; Bataan; Nueva Ecija; Tarlac; Zambales at Pampanga.
Signal No. 1 rin ang southern portion ng Aurora; southern portion ng Quirino; southeastern portion ng Nueva Vizcaya; southern portion ng Pangasinan; at ibang bahagi ng northern Samar.
Signal No. 1 rin ang northern at central portions ng Samar; northern ng Eastern Samar; Ilang bahagi ng Biliran; northern portion ng Leyte; northern portion ng Cebu; northern portion ng Negros Occidental; northern portion ng Iloilo; Capiz at Aklan.

Sa huling forecast ng Pagasa, huling namataan ng PAGASA ang bagyong Jolina sa Baleno, Masbate, dala ang lakas na hangin na 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 135 kph.
Kumikilos naman ito pa-west-northwestward sa bilis na 15 kph.
Mamayang gabi o bukas ng umaga, inaasahang may pang-anim na landfall pa ang bagyo sa southeastern Quezon.