Mabilis na nabenta ang mga collection ng mga prints na ginawa ng aktor na si Johnny Depp sa Hollywood at rock icons sa halos £3 million ($3.6 million) sa pamamagitan ng United Kingdom gallery chain.
Ang lahat ng prints ay may marka nang “out of stock” noong Huwebes ng gabi.
Nabatid na 780 pieces ng art ang mga ibenenta ni Depp, kung saan nagbayad ang buyers ng £14,950 ($18,200) para sa set ng lahat ng apat na framed prints o £3,950 ($4,800) para sa single print.
Nabatid na ang 59-year-old “Pirates of the Caribbean” star ay gumastos ng milyon-milyom sa bitter legal battle laban sa kanyang dating asawa na 36-year-old actress na si Amber Heard.
Una nito, ipinost ng art retailer ang photo na ginagawa ni Depp ang portrait ng singer na si Bob Dylan.
Sinasabing na ang collection of prints na tinawag bilang “Friends & Heroes” ay testament para kanyang kilala at iba pa na na-inspire sa kanya bilang tao.
Sumasalaim rin ang works kay Dylan, late actress Elizabeth Taylor, actor Al Pacino at Rolling Stone Keith Richards.