Sinabi ni Joem Bascon na ‘in time’ ang planong pagpapakasal sa aktres na si Meryll Soriano.
Humarap ang naturang aktor sa unang pagkakataon sa vlog ni Soriano kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day.

Ayon kay Bascon mangyayari umano ito kapag maayos na ang lahat at para sa kanya mas nangyayari ang isang bagay kapag hindi ito plinaplano.
Samantala, pinasalamatan naman ng nasabing aktres si Bascon sa pagiging ama nito sa anak nilang si Gido at maging sa anak niya sa dating karelasyon na si Bernard Palanca.
(ARGIE ERGINA)