Job fair para sa mga benepisaryo ng 4Ps, isinagawa

Nagsagawa ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ng career expo para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Sustainable Livelihood Program.

Ang kauna-unahang job fair at information drive na may temang Chart Your Path to Success: Career Expo 2024 ay isinagawa sa Sto. Tomas, Isabela.

Katuwang ng kagawaran ang isang kooperatiba at iba pang mga pribadong kompanya kung saan layunin nitong magbigay ng oportunidad sa mga benepisaryo at magkaroon ng maayos na trabaho.

Kasabay ng naturang aktibidad ay nagsagawa rin ng one-stop shop na nagbibigay ng serbisyo ng SSS-Ilagan branch, MSWDO, PESO, Comelec at Civil Registrar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *