Job fair, isinagawa sa Daraga, Albay kahapon

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Daraga, Albay ang kanilang taunang job fair sa Daraga Covered Court kahapon, Pebrero 14.

Ayon kay PESO Manager Rey Josef Lawenko, mayroon silang 20 mga kompanyang kabilang sa nasabing aktibidad.

Meron umanong mga employers sa pinansyal na sektor, retail, banking, at overseas na nakiisa sa isinagawang job fair. Inihayag naman ni Lawengko, na depende rin sa mga employer kung isasailalim pa ang mga aplikante sa screening o hindi.

Aniya, kung talagang kinakailangan na magkaroon ng mga tauhan sa kanilang kompanya, hina-hire na umano nila ito.

Subalit kung hindi pa naman urgent ay kakailanganin pa nilang dumaan sa proseso katulad ng serye ng mga interview, medical requirements at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *