Jessy Mendiola, nahawa sa COVID-19 habang buntis

Nagpositibo sa COVID-19 ang aktres na si Jessy Mendiola, habang limang buwang buntis.

Sa kanyang YouTube, ibinahagi ni Jessy ang kanyang COVID-19 journey at ang kanyang pag-aalala sa kanilang baby, “Peanut.”

Read More:  “Let us heal”: Elijah Canlas speaks out on breakup with Miles Ocampo

Nasurpresa daw ito nang mahawa sa virus, matapos ang pag-iingat ng mahigit dalawang taon.

Sa mga unang araw ng kanyang isolation, nakaranas sis Mendiola ng lagnat at mild colds, at kalaunaya nakaranas ng mild cough.

Read More:  Bruno Mars is coming back to the Philippines for “The Romantic Tour” in May 2027

Pagbabahagi ng aktres, na inabot siya ng 11 araw bago tuluyang magnegatibo ng dalawang beses sa pamamagitan ng antigen kits.