Jennifer Lopez at Ben Affleck, nagsagawa ng magarbong estate wedding

Ikinasal ang celebrity couple na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck sa ikalawang pagkakataon sa loob lang ng mahigit isang buwan, sa pamamagitan ng magarbong seremonya sa “Good Will Hunting” star’s estate.

Mababatid na ang A-list lovebirds ay una nang ikinasal sa Las Vegas noong mid-July, pero muling ginawang opisyal, sa pagkakataong ito, ay sa harap na ng kanilang mga kaibigan at pamilya sa 35-hectare waterfront compound ni Affleck sa southeastern US state ng Georgia.

Kabilang sa mga hollywood types sa three-day affair ay ang longtime Affleck pal Matt Damon at director Kevin Smith.

Ang mga bisita ay nakasuot ng all-white, habang si Lopez ay nakasuot ng Ralph Lauren dress na gawa sa Italy.

Mababatid na ito na ang pang-apat na beses na ikinasal si Lopez, habang pangalawa naman para kay Affleck.