Itinalagang Mangingisdang Direktor nakipagpulong na sa Magsasakang Direktor para pag-usapan ang kanilang pagsanib-puwersa

BNFM Bicol-MATAPOS maipakilala nitong nakaraang araw ang Mangingisdang Direktor na si MD Arnel Bitome opisyal na rin niyang nakilala ang Magsasakang Direktor ng Department of Agriculture na si Bernadette de los Santos sa pagbisita nito sa Regional Office ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources o BFAR Bicol.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Sa pagbisita ni MD Bernadette de los Santos kaniyang binisita ang ilang mga pasilidad kasama ang ilang mga opisyal na kung saan kanilang napag-usapan at tinalakay ang iba’t ibang mga opurtunidad sa kanilang pagsanib-puwersa para sa mga sektor na kanilang nirerepresenta.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Samantala, matatandaang nagsisimula pa lang sa kanyang tungkulin ang bagong talagang Mangingisdang Direktor na Arnel Bitome matapos maganap ang pagpalitan ng kanilang mga posisyon kasama ang Regional Director ng BFAR Bicol. ###KENNETH BERMIL