Isang voyador – patay sa Traslacion ng Peñafrancia sa Naga City kahapon

Kinumpirma ni PLTCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng Naga City Police Office na nasawi ng 34-anyos na voyador na residente ng Naga matapos na malunod sa Naga River sa kasagsagan ng Traslacion Procession 2024.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nasangkot muna sa suntukan ang biktima sa may Panganiban Bridge.

Sumuko na ang isa sa mga sangkot sa suntukan, habang hinihimay-himay ng pulisya ang buong pangyayari.

Ngayong umaga, pumunta sa Naga City Police Station 1 ang apat na lalaking nakita sa video na nakikipag suntokan sa biktima.

Read More:  Three houses destroyed in fire in General Santos City

Iniimbestigahan din kung ano ang naging pagkukulang sa deployment ng pulisya roon na hindi naman ruta ng prusisyon.

Sa kabila nito – maituturing pa rin umanong generally peaceful ang Traslacion Procession 2024.

Ito ay base sa ipina-abot na impormasyon ng Information Cluster Head, base na rin kay PNP City Director PCOL. Erwin Rebellon, na siyang pinuno naman ng Security and Peace and Order Cluster.

Read More:  Over 2.4M private school students to benefit from government assistance

Kung pagbabasehan ang report mula sa Incident Management Team, 12 lamang ang naitalang insidente ngayon na kasama ang Medical Emergency, Trauma Emergency, Police Assistance at Drowning habang 71 noong 2023.

Samantala, tulad ng dati, may mga voyadores paring sumasampa sa andas ni Ina at El Divino Rostro, dumating din sa punto na kakaunti na lamang ang distansya ng dalawang andas kaya lalong nakita ang kapal ng mga voyador at deboto na mula pa sa iba’t-ibang panig ng bansa. (with reports from JANESSA SAVILLA – 103.1 BNFM NAGA)