Isang tindahan, nasunog sa Brgy.Tabon, Quezon

Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng frozen products at agricultural supplies pasado alas-onse nitong gabi ng Lunes, ika-17 ng Abril 2023 sa Tabon Centro Barangay Tabon Quezon, Palawan.

Ayon kay Kapitana Ruthie Sunayan, pagmamay-ari ito ng isang Dante Estobanes na residente sa barangay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa kasamaang palad, na-kuryente pa umano ang may-ari at isa pang lalaki habang inaapula nila ang apoy.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinaniniwalaan naman na nagsimula ang sunog sa napabayaan di umanong nakasinding katol sa tindahan.

Samantala, aabot na sa mahigit isang milyong piso ang inisyal na danyos habang iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire ang insidente.