Isang pamilya – patay matapos matabunan ng landslide sa Davao del Norte

PATAY ang isang pamilya matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Sityo Awod, Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte, ito ay dahil pa rin sa walang tigil na pag-ulan na dala ng Low Pressure Area.

Ito ang kinumpirma ni Glenda Delideli, ang Head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Davao Del Norte, sa eksklusibong panayam nito sa programang Tira Brigada.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Dagdag pa ni Delideli, siyam pa na mga Lungsod sa Davao Del Norte ang apektado pa rin ng baha.

Isa na dito ang National Highway sa Carmen, kung saan tatlong araw nang hindi pa rin madadaanan ang kalsada dahil sa lagpas taong baha na naging dahilan ng pagka-stranded ng maraming sasakyan.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Patuloy pa rin ang monitoring ng PDRRMC Davao Del Norte sa mga apektadong bayan at inaabisuhan ang mga mamamayan na lumikas kaagad sa mga evacuation centers upang maiwasan ang disgrasya.