Isang magsasaka na may kasong murder sa bayan ng Labo, arestado sa bayan ng San Vicente

CAMARINES NORTE- Natimbog sa bayan ng San Vicente ang isang magsasaka na may kasong murder sa bayan ng Labo  sa mas pinaigting na pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib pwersa ng kapulisan kahapon bandang  4:45 ng hapon sa Purok 3, Brgy. Cabanbanan, ng nabanggit na bayan

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ang akusado ay kinilalang si alyas “JOJO”, 57 anyos, binata, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Si JOJO ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa nabanggit na kaso na ipinalabas ni Hon. Ronaldo De Lemios Bobis, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte at walang rekomendadong piyansa.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Vicente MPS para sa kaukulang disposisyon at pagturn-over sa kanyang court of origin.