Isang lalaking nagpapanggap na biktima ng carnapping, arestado

Inaresto ng mga miyembro ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ang isang lalaking nagpanggap na biktima ng carnapping.

Ayon kay Pasay City police chief Col Mario Mayames naaresto ang suspek na kinilalang si alyas Ryan ng Taguig City.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Nang magreport ito sa tanggapan ng IDMS tungkol sa na-carnap na SUV na may plate number na CBD-2943, agad na vine-rify ng mga pulis ang CCTV footage.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Inaresto si Ryan nang malaman nilang sumasalungat ang mga sinabi nito sa mga awtoridad at nang malaman ang kanyang pagkakasangkot sa insidente.

Agad na ikinulong ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa bagong Anti-Carnapping act.